Isipin mo na ang buhay ay parang isang token lamang. Isang Token na isang beses mo lang p’wedeng ihulog at magamit kung saan mo gusto. Yun bang hindi ka magsisisi kung inihulog mo ito sa pagshoot ng bola! Hindi yung magsisisi ka na lang at mapapasabi ka na lang ng Sayang! Spend mo lang ang token mo kung saan mo gustuhin. Pero tandaan mo once na hindi ka nakuntento sa pinaggamitan mo nito hindi mo na ito mababawi. Pero ang buhay once na ginamit mo ito sa mga bagay bagay na hindi maganda!. Tandaan mo mababago mo pa ito at mababawi hindi tulad ng token na pag inihulog na hindi na maibabalik. Ano nga ba ang ibig kung sabihin? Isipin mo na lang na mayroong kang isang token nag iisa na lang. Ngayon di mo alam kung saan mo ito magandang magagamit. Yun bang parang ayaw mo munang gamitin kasi baka di ka makuntento kung doon mo siya ginamit. Ganun din ang buhay kung ayaw mong may pagsisihan ka sa huli pag isipan mong mabuti kung saan mo ito gustong magamit at the same time yun bang nakakatulong ka na din sa ibang tao. Isa pa! Malungkot ang Lapis na matulis, Ang lapis na matulis ibig sabihin hindi nagagamit kaya hindi napupudpud kaya ito malungkot dahil hindi ito nagagamit. Ganun din ang buhay pag ang buhay hindi nagagamit ng maayos malungkot, yun bang feeling mo lagi parang may mali, parang may kulang. Imbes na ipangsulat at ipangdrawing mo ito ginagamit mo ito bilang pangpokpok sa pako!. Dahil Hindi mo alam kung ano nga ba talaga ang purpose nito kaya hindi mo ito nagagamit sa tama! A life without a Purpose is like a car without a wheel. Hindi ka uusad kung hindi mo alam kung saan ka ba pupunta o tutungo. Mahirap mabuhay pero mas mahirap yung buhay ka pero patay ka naman sa loob kasi hindi mo alam kung ano purpose mo. Kahit gaano ka pa kataas sa Lipunan hindi ka parin masaya or sabihin na lang natin na masaya ka pero nandoon parin yung tanong sa isip mo na, bakit parang may kulang pa din? Hindi ka sasaya kung di mo talaga alam kung saan ka sumasaya. Pinilipilit mo na lang ang sarili mo na gumawa ng mga desisyon na nakabase na lang kung ano ang makukuha mo, hindi yung kung ano ang maibibigay sayo. Saan mo na gagamitin ang token mo??? Tatasahan mo na ba ang lapis mo? At mag uumpisang magdrawing??
-Jhun Catinguil




You do not need to travel far to experience and appreciate the beauty of our country. There’s a lot of provinces near Manila offering a beautiful and budget friendly Tourist Spots. One of it is Rizal. Here are some of the Tourist Spots that you can visit in Rizal:




