“Nagising ako sa Mundo, Na ang lahat ng tao ay hurado” By: Aira Milannie Ibut

NAGISING NG MAAGA,
IMULAT ANG MATA,
MALIGO,
AT MAGBIHIS.
NAGISING NG MAAGA,
Sa mundo na pinapalibutan ng madla,
Mga madla na nagsisilbing hurado,
Sapagkat bawat salita at kilos mo ay bibigyan nila ng punto.
Taas-Baba and kanilang mata,
Hindi ka nila lulubayan ng tingin kung wala silang makitang mali sayo Ija,
Binabantayan nila ang bawat kilos at salita,
Para may ma I-tsismis sila sa ibang madla.
Kay rami ng husgado,
Hindi naman ito entablado,
Ito ay isang mundo,
Pero bakit kayo nag huhusga ng tao.
Bakla at Tomboy ang palaging pulutan sa usapan,
At palaging sinasabi “Wala namang ginawang Bakla at tomboy ang panginoon kahit minsan” Pero teka lang naman mga kaibigan,
Sila’y tao rin naman at nasasaktan,
Hindi naman nila ginusto na maging Maria Clara,Sa katawan ni Crisostomo Ibarra.
Laging sinasabing “Maputi lang siya, pero hindi siya maganda o gwapo”,
Pero kapag maitim naman “Ang itim niya, siguro pinaglihi siya sa pwet ng kaldero”,
At kapag may tattoo naman ang isang tao,
Madalas sinasabing “For sure adik ito sa Kanto.”
Kapag naman ang mukha ng babae ay puno ng kolorete,
Sasabihin agad “Siguradong bayaran siyang babae”,
Pero kapag ang babae naman hindi nag ayus ng sarili,
Sasabihin na naman “Naiwan yata ito ng panahon mga pre”.
IMULAT ANG MATA,
Para makita ang tunay na kulay ng mga madla,
Kung gaano kadali lang sa kanila,
Ang manghusga ng kanilang kapwa.
Imulat ang mata sa realidad,
At simulan mo na gawin ang iyong responsibilidad,
Para hindi nila paghinalaan ang iyong abilidad,
At para sa iba ay hindi ka maihantulad.
MALIGO,
Linisin ang sarili,
Wag ka lang magkampante,
Gawin ang mga bagay kung saan ka komportable,
Dahil hindi mo naman kailangan patunayan ang iyong sarili,
Sapagkat ang importanti,
Ay maging totoo ka sa iyong sarili.
MAGBIHIS,
Suotin mo ang tunay na ikaw,
Wag kang mag inarte, para lang sila ay mapa WOW,
Sapagkat sa tuwing nilalayo mo ang iyong sarili sa tunay na ikaw,
Ay pinahihintulutan mo lang ang ibang husgado na mangibabaw,
At husgahan ka nila na ang pagkatao mo ay mababao.
Di ko alam kung bakit ganito,
Di ko alam kung bakit maraming mapanghusgang tao,
kung bakit “Nagising ako sa Mundo,
Na ang lahat ng tao ay hurado”.

Published by

Unknown's avatar

humanistalk

Humanities and Social Sciences 12-13 SY 2018-2019. Polytechnic University of the Philippines. 49 students, 1 blog.

Leave a comment