
Jaime B. Pahayag Jr.
Ang kwento ito ay isang science fiction at katuwan lamang.
Sa panahong dalawang libo tatlongpu (2030) nagsimula ang “nuclear war” ng tatlong malalakas na bansa. Tsina, Amerika, at Rusya. kakaunti lamang ang mga nakaligtas dahil Maharlika at kilalang mga indibidwal lamang ang mga mabilis nakapasok sa “vaults” (ang vault ay isang ligtas na taguan sa ilalim ng lupa na napapaligiran ng matitibay na bakal na hindi ngmaaapektuhan sa mga pagsabog sa ibabaw ng lupa) at ang mga hindi pinalad ay naging abo nalamang.
Analyzing…. Body Confirmed… Ready to Freeze…. Freezing Start…
haa…! (sigaw)
-dalawangpung taon ang nakalipas –
System is shutting down….
(Mabibigat at nakakatakot napaghinga habang unti-unting nagigising)
Haa! Ahaa! Haa! Anong nangyare sabi nila titignan lang nila ang aking kalagayan pero pakiramdam ko nakatulog ako ng mahabang panahon. Ang naaalala ko ay isa ako sa mga napili na makapasok sa “vault”. Pero ano ang nangyare sa lugar na ito. Sirasira parang sinalakay ng mga bandido ang lugar na ito.
Naglakad palabas. May mga nakitang bangkay at ang mga iba dito ay buto nalamang ang natira. Masukasuka at napaghinaan ng loob ang batang ito
(Kuw…kuw…kuw)
Ano yun! Sumulyap sa bintana. Isang malaking ipis ang bumulaga sa kanya na may kagatkagat na tao. Kinabahan ito sa takot at nagmadali siya maghanap ng p’wedeng magamit na sandata pag siya’y napansin. May nakita siya na malapit sa nabubulok na bangkay na may kakaibang itsura ng baril parang ito ay nakikita natin sa mga palabas na “laser gun”. Kinuha niya ito at inilagay sa kanyang likod.
Naghanap ito ng ibang daan para malagpasan niya ang halimaw na ito at may nakita siyang p’wedeng lagusan pero ito ay napakaliit para sa kanya. Parang napansin siya ng halimaw. Nagmadali siyang hanapin ang labasan sa pasilidad na ito dahil natatakot na siya na may makita pa siyang ibang klaseng nilalang.
-Huling pinto palabas-
Haa… Ahaa… Ahaa… Napakarami malilit na halimaw na ipis ang nasa pinto. Dinukot niya ang kanyang baril. Napansin siya ng mga ipis at sinugod siya ng mga ito. Ayaw gumana ng baril na kanyang napulot. Nagdasal ito. Hinawakan nang madiin ang gatilya at biglang nagcharge ito ng malakas na liwanag at nagulat siya nalusaw ang mga ipis na parang bula
Battery drain…
(nag-apoy)
Salamat aking panginoon nakaligtas ako sa trahedya na ito. Lumabas siya sa malaking pinto at nasilaw sa liwanag nanggagaling sa labas. Ang buong lugar ay puno ng mga sirang tangke, eroplano, at iba pang gamit pangdigma. Nasa Canada pa rin ba ako.
Sirang sira ang buong paligid at ang mga puno’y wala nang mga dahon at tuyongtuyo tangkay na lamang ang natitira.
Natatakot at hindi alam ang kanyang gagawin dahil wasak na ang mundo na alam niya.Lumipas ang mga oras bago siya kumalma at nagsimula magmunimuni sa kanyang buhay kung bakit pa niya papatuloy ang kanyang buhay.
RRRAAARRR… RRRAAARRR… RRRAARRR…
(Nuke warning)
Nak nak gising na. Bakit ma. Nakahanda na yung gamit at Nakikita mo tong card nato pakita mo lang to sa sundalo at may pupuntahan kayo. Ma bakit puro dugo po kayo. Saan po galing yung card nato. Basta lumabas kana
(May hinihila ang nanay na patago)
Siya ay nakaidlip at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Sakasamaan palad maggagabi na at mabuti nalang may nakita siyang gasolinahan.
Awu… Awu… Awu..
Pinuntahan niya kung saan nanggagaling ang tunog. Nakakita siya ng isang tuta na nakulong sa mga nabagsak na mga bakal. Naawa ito at tinulungan makaalis ang tuta.
Hello ako nga pala si Vincent at kung gusto mong sumama sa’kin tatawagin kitang sam, Sumama sa kanya ang tuta. Ang mga nahanap lang ni Vincent sa gasolinahan ay mga maduduming tela, limang dilata at dalawang bote ng tubig. Gumawa si Vincent ng pangsamantalang higaan para sa gabi.
Pagkasapit ng umaga nagsimula na ulit si Vincent sa paglalakad upang maghanap pa ng mga tao nabubuhay. Lumipas ang tatlong linggong pakipagsapalaran sa mundong ito na may nakita siyang taong naghihila ng kariton. Nagmadali siya puntahan ito para tulunga sa paghihila ng kariton upang kausapin niya ito. Nasiyahan at nagalak ang matanda sa pagtulong ni Vincent sa pagtutulak sa kariton at sinagot lahat ang kanyang katanungan.
Nagpakilala ang matanda at ang kanyang pangalan ay Kimko na isang Mángangalakal na patungo sa isang lugar na tinatawag na “rose” (trade city). Kasama ni lolo Kimko ang kanyang apo na si Kiko na mabilis nakasundo ni Vicent at Sam (aso). Nagkasundo Ang dalawang grupo na magsama dahil wala naman tutunguin si Vicent
Lumipas ang mga araw tinuruan ni Kiko si Vincent sa mga iba’t ibang uri ng nilalang na nabuhay sa mundo at isa sa mga sinabi niya na kailangan niya takbuhan ay ang “deathclaw” (nilalang na tulad ng isang diyablo) dahil itong halimaw na ito ay hindi mo mapapatay ng simple simple dahil isang “Mk” (sandata na katulad ng kay iron man/ robot suit) lang ang makakatalo dito.
Nakarating sila sa isang maliit na bayan kung saan makakabili at makakahuli ng kobo (isang uri ng ibong panglakbay, ito’y may malalakas na tuhod at takod ang mga malalaking insekto sa ibon na’to ). Dahil walang pera ang grupo napilitan manghuli ng kobo sila Vicent, Kiko, at Sam(aso). Nadulas, natuka, at marami pang ibang paghihirap ang nagdaan para makahuli ng isang kobo dahil dito tumibay ang samahan ng tatlo at sa dulo nakahuli rin sila ng isang kobo, sabay ngiti at halakhakan pakatapon ng paghuhuli.
Lumipas ang mga buwan nakarating na rin sila sa lungsod ng “rose” humiwalay sila Vicent, Kiko, at Sam kay lolo Kimko dahil malilibot sila at magbebenta si lolo Kimko. Namili ng mga gamit pang panglaban ang tatlo habang nalalaro sa daan.
Boom… Boom… Boom…
Sinasalakay tayo ng mga bandidong “Vipers”
Hiyawan at mga tunog ng mga baril ang mga umaalingawngaw sa buong paligid.
Nagkahiwalay sila Vicent at Kiko
May humampas sa likod ni Vincent
Nagising si Vincent sa isang kulungan at puno ito ng mga tao. Dumating ang isang lalaki na puro peklat ang katawan at pinaliwanag kung nasaan sila.
Welcome sa mga bagong salta unti-unti nalang at malapit na kayo ipagbenta at ang lugar na ito ay isang slave auction house at mga enjoy kayo sa mga magiging panginoon niyo.
Pa-unti ng pa-unti ang mga tao sa loob ng kulungan. Palapit ng palapit si Vincent sa pila at nawawalan na ito ng pag-asa.
Noong hinarap na sila sa malaking intablado at ito ay puno ng mga mayayaman na tao na gusto bumili ng mga magaganda babae para tirahin at gawing laruan at ang mga mamalakas na lalaki ay para maging g’wardiya o gawing aliping panggawa.
May malalakas na ingay na nang gagaling sa ilalim ng intablado.
-Bang-
Deathclaw!!!!! Deathclaw!!!!! Deathclaw!!!!!
Mahigit na limang diyablong lumabas sa ilalim ng lupa para guluhin ang kasiyan ng mga taong bumili.
Tanggap na ni Vincent ang kaniyang kamatay pero may humila sa kanya. Vincent aalis tayo dito at andito si Sam kasama ko. Nabuhayan ng loob si Vincent matapos Makita si kiko at si Sam
Subalit napansin sila ng isang deathclaw at nakalmot si Vincent sa kaniyang kaliwang braso. Sa takot ni kiko sa mga deathclaw siya’y tumakbo parang duwag na sisiw at iniwanan ang dalaw.
Sumugod si Sam para maprotectahan si Vincent. Bawat baksak ni Sam tumataYo ito ng buong tapang naparang walang itong nararamdaman.
(Crying)
Sam naman eh!!! Umalis kana at tumakas dito.
Isang malakas na pag hiyaw galing sa deathclaw at sumugod ito para hatiin si Vicent at siya’y wala nang ibang proteksyon para sa atake, isang mabilis na anino na tumakbo para tulungan si Vicent at ito’y si Sam at siya’y nahati sa dalawa
SAM!!!!!!!!!
Nagdilim ang paningin ni Vincent at ang tanging iniisip ay mahipaghiganti si Sam. May nakita siyang Mk sa mga kahon at walang anong sandali ito’y tumalon para ito’y maisuot. Pinaandar niya ito kahit hindi niya alam mga kakayahan ng armas na ito at sobrang galit ni Vicent ito’y sumugod ng buong lakas.
Dahil hindi niya alam gamitin ng maayos ang Mk siya ay nabugbog pero kahit ilang beses itong tumutumba, tumatayo ito ng buong lakas para kay Sam. Sa huli napansin siya ng apat pang “Deathclaw” at siya’y tumayo at tumingin sa bangkay ni Sam at siya’y ngumiti