Katha

Mga tanaga na ginawa kasabay ng pag kurap ng mga mata at pag tingala.

(1)
“Pangako”
Ang binata ng gabi
Ang ngiti’y abot langit
Pikit matang malalim
Ang sinumpaang giliw

(2)
“Burol”
Sa pag ihip ng hangin
Dala ay panalangin
Mga mata’y malalim
Puno ng luha’t sakit
(3)
“Kindat”
Panandaliang sarap
Patid uhaw, laman tiyan
Humalinghing sa saya
Mapupusok na mata
(4)
“Bulag”
Katotohanang hubad
Salat sa kamalayan
Ang perspektibong hilaw
‘Kasing kitid ng daan

(5)
“Paglisan”
Sa pag patak ng ulan
Luha mo’y umaapaw
Puso’y wasak, luhaan
Sa pag-iwan mo, Mahal

(6)
“Muni”
Sa aking balintataw
Masaya kang kapiling
Mukha mo’y nagniningning
Tila’y isang bituin
(7)
“Sandali”
Minsan sa’king paglisan
Mata mo ay malamlam
Halik na walang imbot
Ang ‘yong huling paalam
(8)
“Inuman”
Pigik na mga tawa
Kwentuha’y walang humpay
Kampay ng basong alak
Sa gabing umuulan

 

aesthetic_1540249799579

-Katha (Mga Tanaga) ni Mariel Valentin

Published by

Unknown's avatar

humanistalk

Humanities and Social Sciences 12-13 SY 2018-2019. Polytechnic University of the Philippines. 49 students, 1 blog.

Leave a comment