Ohana

 

 

This slideshow requires JavaScript.

 

Ito ang aming pamilya na kinabibilangan ng nanay na mabait,masayahin at maalaga sa mga anak at tatay na masipag at pinipilit na itaguyod ang kanyang pamilya. At binubuo ng sampong anak na may 5 babae na at 5 lalaki na may kanya kanyang pangarap upang makatulong sa pamilya. Hindi kami maiituring na mayamang pamilya ngunit kami ay isang pamilya na masaya at buo sa kabila ng lahat ng problema. Hindi maiwawaglit sa ating isipan na ang pamilya ang isa sa ating sandigan sa lahat ng problema. Hindi matutumbasan ng kahit anong yaman at mamahaling bagay ang saya na aming nararamdaman sa sa tuwing kami ay nagkakasama. Hindi kami magkakasama hindi namin hinahayaang lumayo ang loob namin sa isa’t isa. Para sa akin itong pamilya na to ang pinakamasaya at matiwasay na pamilya. Sa lahat ng bagay na nangyayari sa aming buhay sa lahat ng regrets na nangyari patuloy kaming lumalaban ng sama sama hindi kami nag iiwanan nagsusuportahan kami upang ito ay maisalba namin.

Isang masaya at buong pamilya ang isa sa pinakamabisa at pinakaepektibong solusyon sa lahat ng problemang dumarating sa ating buhay. Walang sinoman ang makakabuwag sa samahang binuo at pilit naming pinapatatag gamit ang aming pagmamahal sa bawat isa at pagkakaroon ng takot sa ating mahal na panginoon.

-Melody Antoni

Published by

Unknown's avatar

humanistalk

Humanities and Social Sciences 12-13 SY 2018-2019. Polytechnic University of the Philippines. 49 students, 1 blog.

Leave a comment