(Isang Larawan-Sanaysay)
Kuha, kapsiyon, at likha nina:
Benhur M. Queqquegan at Jeanne Denise M. Andal
Sa hirap ng buhay ngayon, hindi maaari ang wala kang gawin. Kung hindi ka mag-hahanap buhay, wala kang makakain, walang matitirhan, at hindi mabubuhay. Ang tanging hiling na lamang ng maraming kababayan nain ngayon ay hindi para yumaman kung hindi upang malagpasan na lamang ang kada na araw na lilipas bilang mga nagtitiis na mga maralita.
Hindi maikakaila na sanhi ng pagiging isang kahig isang tuka, may ilan na kumakapit sa patalim. Mga iligal at masamang gawain ang kanilang nakikitang paraan upang mabuhay. Bagay na hirap ang pamahalaan na bigyang lunas. Mahirap pa rin ang buhay dahil sa labis na kakulangan sa oportunidad sa trabaho.
Sa kabilang banda, marami pa ring Pilipino na pinili ang pagiging marangal kahit pa man napakahirap ng buhay. Pinili na lamang nila na maging magaspang at maging balat kalabaw ang kanilang katawan kaysa mabahiran ito ng dugo dahil sa paggawa ng masamang gawain.
Narito ang sampung orihinal na larawan na magpapakita ng mga natatanging kwento ng mga dukhang marangal na naghahanap-buhay. Hindi alintana ang anumang init, sikip, bigat, pagod, at pasakit basta’t kumita ng salapi sa pinakamarangal na paraan na alam nila.








Iba talaga ang mga Pilipino. Masipag, matiyaga, gagawin ang lahat, hindi susuko, at higit sa lahat papanatilihin ang karangalan sa buhay. Tulad nga ng sabi sa kanta ni Bamboo na “NOYPI:”
Tignan mo ang iyong palad
Kalyado mong kamay sa hirap ng buhay
Ang dami mong problema
Nakuha mo pang ngumiti
Noypi ka nga astig
Saan ka man naroroon
Huwag kang matatakot
Sa Baril o Patalim
Sa bakas na madilim…
Hoy, pinoy ako!
Buo aking loob, may agimat ang dugo ko
Hoy, oh pinoy ako!
May agimat ang dugo ko…
Sinisid ko ang dagat
Nilibot ko ang mundo
Nasa puso ko pala hinahanap kong gulo
Ilang beses na akong muntikang mamatay
Oh, alam ko ang sikreto kaya’t andito pa’t buhay.
Oh sabi nila may anting anting ako pero di nila
Alam na Diyos ang dahilan ko…
Hoy, pinoy ako!
Buo aking loob, may agimat ang dugo…
Hoy, oh pinoy ako!
May agimat ang dugo ko…
Dinig mo ba ang bulong ng lahi mo?
Isigaw mo kapatid, ang himig natin…
Hoy, pinoy ako!
Buo aking Loob, may agimat ang dugo ko!
Hoy, oh pinoy ako!
May agimat ang dugo ko
