Kapatid Mula sa Ibang Nanay at Tatay

44072972_559760624455833_9016224913765171200_nMarami na akong kapatid sa nanay at tatay ko, pero mas marami pa yung mga kapatid ko sa labas, hindi man sa dugo pero sa puso. Maging ang iba rin nama’y may kapatid sa labas, sila yung mga tunay na kaibigan.

Yung kasa-kasama natin sa kasiyahan at kulitan, kahampasan kapag kinikilig, kaharutan, katsismisan at kung ano pa.44096669_1110375642464906_3893344783891955712_n

Sila rin madalas yung umuubos ng pagkain natin, tubig nila ang tubig mo, baon mo, baon rin nila. Minsan naman nagshe-share kayo tapos kunwari picnic kapag recess. Mama na nila yung mama mo, kulang na lang ampunin na sila ng mga magulang mo.

44088707_1881837245204130_7994154947950149632_n

Madalas sila yung human diary mo. Kilalang kilala ka na nila. Sila yung mapagkakatiwalaan mo ng sikreto, maliban sa crushes kasi ibubuunyag nila. Minsan nga isang tinginan niyo pa lang naiintindihan niyo na ang isa’t isa. Tapos tuwang tuwan rin naman kayo kapag may bagong chika.

44068027_1964867983600541_1253894897245618176_n

Hindi rin naman maiiwasan na magkaalitan kayong magkakaibigan, normal lang yun. Pero ang mahalaga, nagababati kayo sa huli at itatama ang mali ng bawa’t isa at mas lalong pinatatatag yung relasyon niyo.

 

isinulat at kuha ni:

Rachel Cajudo

Pasasalamat kay:

Fatima Sanchez

HUMSS 12-13

Published by

Unknown's avatar

humanistalk

Humanities and Social Sciences 12-13 SY 2018-2019. Polytechnic University of the Philippines. 49 students, 1 blog.

Leave a comment