Ang Sariling Atin

ANG SARILING ATIN
Ni: Andrea Pauline Y. Mangahas

Hindi lamang basta lupon ng titik at salita
Mabisa at epektibong paraan ng pakikipagkapwa
May dalang magandang karanasan
Wastong usapan ang lahat ay masisiwalat

Ngunit ang ating Wika’y tila nakakaligtaan
Ng mga henerasyon na patuloy na nagdadaan
Mas tinatangkilik ang Banyagang di natin kinagisnan
Na patuloy nilalamon ang ating isipan

Sa modernong panahon, wag kalilimutan
Ang wika, kulltura’t pagkakakilanlan
Ito ay parte ng ating kasaysayan
Ang humulma sa ating katauhan

Sa aking kapwa kabataan
Ang Wikang Filipino’y pagkatandaan
Sa ibang lenggwahe ay wag magpadarang
Pahalagahan at pagyamanin ang Lupang Hinirang

Published by

Unknown's avatar

humanistalk

Humanities and Social Sciences 12-13 SY 2018-2019. Polytechnic University of the Philippines. 49 students, 1 blog.

Leave a comment