“A Baka Da”
(By: Kyla Denisse Diaz)
Masayang kapaligiran noon ating nadatnan
Malinis na tubig sa karagatan
Malawak na ektarya sa mga kapatagan
A Baka Da…hil ito ay kayamanan kaya ating iniingatan
Lumipas na ang henerasyon, maraming nagbago
Kapatagan ay biglang naglaho
Mga tubig na lumalabo
A Baka Da… hil nakalimutan na natin alagaan ang ating kalikasan
Usok don, polusyon dito
Palitan at salitan na proseso
Ngunit sa atin naman lahat nagsisimula ang lahat ng ito
A Baka Da…hil ang ating responsibilidad sa kalikasan ay nawawala na.
Masakit isiping, tayo ay nagpapabaya,
sa paligid, na tayo din naman ang nakikinabang
umaabuso na ang lahat ng nakinabang
A Baka Da…hil ang ating atensyon ay nabulag na sa likod ng pagiging mangmang
Bakit nga ba tayo nagpapabaya?
bakit nga ba?
A Baka Da…
A Baka Da…
A Baka Da…
A Baka Dahil nalimutan na natin ang magpahalaga sa ating sariling kalikasan. Iniingatan ng iba ang sinisira natin ngayon. Bilang mamamayan nasa atin pa din ng huling desisyon.
