
“Uy! Nababaliw kana naman!”
“Itulog mo na lang muna yan.”
“Kulang ka lang sa kain.”
“Ayos lang yan Sabel.”
“Ang galing mo naman.”
“HAHAHAHA! Nakakatuwa ka talaga Sabel.”
“Lage kong inaabangan TikTok mo.”
Ilan lamang yan sa mga reply na makukuha ko kapag nag-upload ako ng TikTok. Ang sarap sa pakiramdam na maraming natutuwa sa ginagawa ko. Kahit nga ibang Teachers namin ay nakikita din pala ang kabaliwang ginagawa ko sa TikTok. Pero ito na, bakit nga ba ako nahilig sa pag ti-TikTok?
Curious din kayo no? Ito na..

Nung una sinubukan ko lang sya kasi natutuwa ako sa mga nakikita ko sa Youtube, Facebook, at Instagram na mga Tiktok. Tapos sabi ko sa sarili ko maitry nga, tutal naman nakagamit na din naman ako ng Dubsmash na application dati.
Libangan lang talaga siya nung una. Pero habang tumatagal nagiging Stress Reliever ko sya. Nababawasan yung stress ko kapag ginagawa ko yun. Lalo na ngayon na sobrang dami naming ginagawa at kung minsan nga hindi na kami nakakatulog dahil sa mga gawain na yun. Kaya tuloy tuloy ko pa din yung pag-gawa ng video.
“Ang saya kaya. Try mo! Nakakawala ng stress.”,

Yan yung lagi kong sagot kapag sinasabi nilang nababaliw na ako kaka-upload. Totoo naman kasi eh. Tsaka ginagawa ko din yun para mapasaya ang mga tao. Gusto ko lang ishare yung goodvibes sa pamamagitan ng pag-upload. Kahit nga mag-sasasayaw pa ako eh, ayus lang sakin basta maging masaya sila at mabawasan din yung stress nila.
Sa ngayon di pa ako nag-a-upload ng video ko ng TikTok ko. Pero malay mo, mag-upload ako…..

“MAPASAYA KAYO, KAHIT MAGBALIW BALIWAN PA AKO.”
Yan talaga MAIN GOAL ko eh. Kaya abang abang lang kayo diyan. At antayin nyo lang yung videos ko…….
Marami rami pa akong nakatago dito.
ps. ituloy ko na din kaya pag gawa ng BLOG? hmmmm..
