Bahay — Klase — Theater
Maging estudyante ay mahirap. Paano pa kaya kung dadagdagan pa natin. Estudyante na, nagta-teatro pa.
July 2017 ay sinubukan kong mag audition sa Sining-Lahi Polyrepertory dahil isa sa mga pinapangarap ko ay ang maging isang Theatre Actress. Noong una talaga ay nagdadalawang isip pa ako kung tutuloy pa ba ako o hindi dahil mahiyain ako nung una. Pero dahil sa pagpupumilit sa akin ng aking kaklase na si Genesisah na tumuloy at subukan mag-audition, tumuloy na ako.
After audition, sabi ko noon na ayos lang kung hindi ako matatanggap, ang mahalaga naranasan ko at ‘yon ay isa ng malaking biyaya para sa akin. Pero pag-uwi ko galing audition nakatanggap ako ng text mula sa Polyrep at sabi nila ako raw ay pumasa. Kaya wala ng atrasan pa at ako ay nagtuloy-tuloy na
August 8, 2017 ay opisyal na kaming tinalaga bilang apprentice ng Sining-Lahi Polyrepertoy. Sa unang araw pa lang ay marami ng pasabog sala kung sala bidahan kung bidahan.
Pero pagdaan ng mga araw mas lalong bumibigat at mga gawain. Lalo na isa rin naman akong estudyante. Ang hirap hatiin ng oras. Oras para sa paper worka sa acads at oras para sa rehearsal at workshop kaya habang tumatagal ay nahihirapan na akong pagsabayin ang pag-aaral at pagte-teatro.
May mga oras na kakauwi na ako ng 1am at kinabukasan ay may pasok pa ako ng 7:30am. May mga oras pa na pinapalayas na ako sa bahay dahil nga lagi akong wala para akong nagdo-dorm kang sa bahay dahil kakain, matutulog tapos aalis na ulit ako. Noong una ay naisipan kong sumuko bitawan ang pagtateatro pero kada gagawa ko ng hakbang papalayo sa pagte-teatro ay sobra akong nasasaktan. Hindi ko kaya. Sobra ko kasing minahal ito eh kaya hirap na hirap ako umalis.
Sabi ko noon na nagsisisi ako na pumasok ako dito. Dahil kung di ako pumasok, malamang sa malamang ay hindi ako mahihirapan umalis.
Pero hindi. Napagtanto ko na mahal ko naman ang ginagawa ko kaya dapat wala akong pagsisihan. Mahal ko ang pagtatanghal sa teatro. Sobra.
Ang pagiging estudyante ay hindi madali lalo na’t kung isa ka pang estudyante at nagtatanghal sa teatro. Nakakabaliw, nakakapagod, nakakapanghina at nakakapangit. Pero kung mahal mo ang ginagawa mo, bakit ka susuko? Sabi nga ng Training Director namin, “Paano kapag dumating yung panahon na hindi kana pagod? Pero sumuko kana? Wala ka ng kasiguraduhan na makakabalik ka pa ba sa mga bagay na sinukuan mo na. Maaari kang mapagod. At least alam mong tao ka. Maaari kang magpahinga basta alam mo kung paano bumalik.”
Ilaban mo kung alam mong kaya pang ilaban. Normal ang mapagod at masaktan. Pero hindi normal ang sumuko.
Borito, Jovelyn S.
