“Kaibigan”

Itong ginawa ko ay para sa mga magkakaibigan na ang turingan ay parang magkapatid na. Sila yung tipo ng tao na papaiyakin ka dahil mahal ka nila at ayaw nilang mawala ka sa tabi nila, yung mapaglalabasan mo ng sama ng loob, minsan kasama mo sa mga kalokohan at higit sa lahat ay aasarin ka. Kaya kung may kaibigan ka na umabot na ng  3-5 taon ay ‘wag mo ng sirain pa.

BFF1BFF2

Sa bawat araw ng ating buhay

May daang daang tayo tayong makakasalamuha

May kakaibang mga katangian,

May kakaibang mga Paguugali.

 

Ngunit nang tayo’y magkakila-kilala

Sa loob ng apat na sulok ng silid aralan,

Tayo’y nagkausap usap kahit nagkakahiyaan

Pero, doon nagsimula ang ating pagkakaibigan.

 

Lumipas ang mahabang panahon

Unti-unting lumalim ang samahan

Nawala ang hiyaan sa isa’t isa

Naging bukas sa isa’t isa.

Sila ang kasama sa lahat ng bagay

Mapakalokohan man o kasiyahan

Laging nandiyan at maasahan sa ano mang oras ng pangangailangan

Handang tulong sa oras ng kagipitan.

Laking pasasalamat sa Panginoon

at sila’y nakilala

Di na hahayaang mabuwag at magkawatak watak

Ang pagkakaibang wala ng hihigit pa.

 

 

Hindi man kami pare-pareho ng schedule at di madalas magkita-kita at magsama ay napapanatili parin namin ang aming pagkakaibigan na matagal na naming binuo.

-Allen James S. Veloz

Published by

Unknown's avatar

humanistalk

Humanities and Social Sciences 12-13 SY 2018-2019. Polytechnic University of the Philippines. 49 students, 1 blog.

Leave a comment